Tuesday, December 23, 2008

6th and counting!

Bago ang lahat, ako po'y taos pusong bumabati sa inyo ng maligayang pasko at masaganang bagong taon!

Pangalawang pasko ko na dito sa isla at pang-anim na kung isama ko ang apat na kapaskuhan nung sa Dubai pa ako. Kumusta naman yun..sa totoo lang parang nalimutan ko na kung paano magdiwang ng kapaskuhan dyan sa Pinas, ang di ko lang malimutan ay ang makapagpadala ng pamasko! heheh

Paglabas ko kanina sa office during lunchtime, nafeel ko na ang christmas rush. Ang daming tao, ganun pa din sa gabi. Normally after 6pm parang ghost town na ang city dito, sarado na lahat ng shops. Pero ngayon open sila hanggang 9PM.

Sa office naman namin, hindi na tulad nung nakaraang taon. Nang dahil sa world crisis na yan at kami'y medyo apektado na rin, wala kaming christmas party. Unlike last year that we had a dinner sa isang hotel at ang daming giveaways. Ang bonus din namin ay kalahati nalang compared last year. Sounds disappointing but i understand them, mas mabuti nalang na ganun kaysa magtanggalan pa ng mga empleyado di ba?

We will have our own celebration nalang dito sa bahay. Malamang tagay dito tagay roon ang mangyari! heheh

Happy Holidays people!

Sunday, December 7, 2008

Bermuda Short..the untold story

Are you familiar with bermuda shorts? Bago ako napadpad dito sa isla, 3 words lang ang familiar ko about bermuda..ang bermuda triangle, bermuda grass at bermuda shorts! Pag sinabing bermuda short, ang nasa isip ko dati is it's a knee length short na either khaki or dark colors.

But i got a shock of my life nung dumating ako dito, bermuda shorts is not just an ordinary shorts but totally different to what i perceived. It's a men's fashion here mostly worn during summer season by executives, office workers, govt. ministers etc. It is actually a formal wear for men.

This is the real bermuda shorts that i'm talking about!

The shorts is in different colors at pink ang isa sa pinaka popular na kulay. Tingnan nyo naman ang lolo sa taas fink na fink di ba..heheh It is not complete without the knee length socks. Reminds me during my kindergarten days actually..lol


I wanted to try to wear this last summer pero mahina pa talaga ang loob ko. Lalo na nagresign yung isang kasamahan na mahilig magsuot ng ganito. Pagnagkataon mag-isa lang akong nakaganito sa office kasi ayaw talaga magsuot ng ganito ng dalawang Indians na kasama ko.


at kung gusto mo pang magpakaformal, pwede rin magblazer sa taas tulad nito.
This coming summer i'll try to wear this one, parang komportable kasi tingnan di ba? At ibandera ko talaga ang picture ko dito...heheh

Saturday, November 15, 2008

Firework chaser

I'm now a certified addict...to fireworks photograhy! I took my first fireworks shots last October with my 2 buddies na mas addict pa sa akin. Iba 'yong level of excitement, mahirap ipaliwanag basta kung ano yong feeling na naramdaman nyo habang nanood lang mas triple yung naramdaman ko! hehh

Unlike sa landscape or portrait, limited ang time para mag-adjust ng camera settings. Higit sa lahat indi ako makakopya ng settings ng kasama ko dahil ayaw na padistorbo..heheh

So far nakadalawang session na ako..the second fireworks dun pa ginanap sa pinakadulo ng isla at talagang dinayo pa rin namin dahil bihira lang magfireworks dito.














P.S. Baka may mga marunong na dyan sa pagkuha ng fireworks, pa share naman ng tips para ma-apply ko this coming December

Wednesday, October 1, 2008

Sand Sculpture 2008

Isa sa mga exciting beach events dito sa isla ay ang annual sand sculpture comptetion held at Horshoebay beach, the famous beach here in Bermuda. This happened last September which marks the end of summer season.





Saturday, September 6, 2008

My first experience as a pick up boy





















Dito ang puwesto ko araw araw. Sa pink pole pag umaga at sa pole na blue naman tuwing gabi. Hindi para magpole dance heheh..kundi para mag-abang ng bus..Ganito lang kasimple ang pagcommute dito sa isla. Kung gusto mong pumunta ng Hamilton(capital city ng Bermuda) hanapin mo lang ang pink pole or if going away from Hamilton just look for blue pole at dun mag-abang ng bus.

Dahil sa Hamilton ang office namin, sa pink pole ako lagi nakasandal tuwing umaga. Sanay na ako sa mga titig na may halong pagnanasa ng mga motoristang dumaan, ewan ko ba masyado lang ata akong gwapo na muntikan na silang magka-aksidente dahil sa kalilingon sa akin...hahah feeling lang!

Until one day may kotseng huminto sa harapan ko. "Are you going to town?" tanong ng babae na mukhang lola na sabay ngiti. Sabi ko, oo. "It's really hot outside, come on hop in!" Di ako agad nakapag react, it's my first time her that a complete stranger offer a ride. May batang nakaupo sa backseat kaya sa isip ko safe ito, mahirap na ano baka ma-rape pa ako..heheh

She started her interview portion, my nationality, saan ako nagtrabaho, nakatira, ano ang trabaho muntik na pati height & weight ko ay itatanong. Hirap na hirap mabigkas ang pangalan ko kaya inii-spell ko pa (may pagkamuslim kasi name ko..heh). Gusto pa ipasulat sa apo nya para daw di malimutan, eh walang ballpen so she asked her to help remember my name. Ilang beses nilang inuulit ulit pagbigkas ang pangalan ko pero ako nalimutan ko na ang pangalan nya at nahiya na akong magtanong uli. Kilala daw niya ang landlord namin at magkapitbahay lang kami.Sabay sabi na papasyalan daw nya ako sa bahay tuwing weekend. Napasigaw ako ng BAKIT?!!! Heheh maging stalker ata ang lola na 'to sa akin. At ang huling hirit "have you heard about Jehovah's Witness, i belong to this religion and with all violence happening around involving young kids we have to spread the blah blah blah.."

If you see, it's not a free ride afterall. Pag-uwi ko ng bahay unang bilin ko sa mga housemates ko pag may maghanap sa akin sabihin nyo wala ako. I have nothing against Jehovah's Witness or any other religion, ayoko lang ng distorbo.

Sunday, August 31, 2008

Bellagio Fountain Show

This might be the best free show in Las Vegas! Located in front of Bellagio hotel, this fountain show seem to run every 30 minutes during daytime and every after 15 minutes during night. It's fun and very entertaining to watch with the fountains moving gracefully according to the music background. I would say this is one of the must see for Vegas visitors. Enjoy!

















a href="https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjdVzUd57ZH_l1u2bgECCRivyU9MQNDqrpOGLXensyLXuiO-07WMRBIpfYnxQQMXEa3_Q2nmP8icUA-Bs-wNPJQWL21pwh-6ySP4bMtSf-lXS1F5uk9jTNmOop29xmuiclBDlKY2m-_YyeY/s1600-h/paris23.jpg">

Monday, August 25, 2008

Back to Vegas

Hindi ako ang babalik hah kundi ang blog entry ko lang. Nahinto muna kasi dahil sa breaking news regarding san miguel beer! hehhe

Mandalay Bay hotel
...familiar ata 'to sa lahat na mga Pinoy kasi kung hindi ipabugbog kita kay Manny! Dito ang venue sa halos lahat ng away ni Manny Pacquiao. Medyo may kalayuan nga lang 'to kasi pinakadulo na ng strip.


New York New York hotel...mapahanga ka talaga sa mga pinaggagawa nila dito. Ilagay pa naman halos ang buong New York...Lahat ng buildings na yan na famous sa New York ay part ng hotel...Andyan na ang Empire State, Chrysler bldng, may statue of liberty na at gilid nyan meron pang parang brooklyn bridge!

Paris Las Vegas hotel...at syempre hindi din pahuli ang hotel na 'to na halos opposite lang sa New york New york...France naman ang theme nila at isa 'to sa most pictured ng mga turista lalo na sa gabi.


Luxor Hotel...pyramide naman ang drama dito

Wynn Hotel...isa lang masasabi ko dito, gusto ko yung casino area nila hehhe

The Venetian hotel...Italy naman ang theme nila..meron silang parang grand canal at may gondola na pwede sumakay for a fee


MGM Grand hotel...mahilig sa lion ang hotel na 'to. Hindi pa kontento sa napakalaking lion sculpture meron pa sila sa loob na lion habitat at totoong liyon talaga. Too bad during my time under maintenance yung lion habitat nila kaya wala akong nakita


The Mirage hotel...parang mini zoo sa loob may dolphins, tiger at kung ano ano pa

Palazzo hotel...

Treasure Island...

Sunday, August 17, 2008

Sidewalk scene, Vegas style

Maiba muna, eto ang iilan sa mga eksena sa mga gilid gilid ng Vegas strip habang ako'y naglalakad. Sari saring gimik at diskarte, mapansin lang sa dami ng turistang lakad lang din ng lakad.

Mukhang sinabayan ata ng blondie na 'to ang 40 degrees na init ng Vegas...heheh Malay ko kung ano ang pinag-alok nyan na ganun ang suot, siguro nagpapa tan lang..hheh


Medyo wholesome pa...normally ang pinag-aalok nun ay yung mga shows sa hotel nila during night

Swak na swak ang raket na 'to...nahiya na akong magpa drawing ng mukha ko dito dami kasi nanonood..

Dapat pakitang gilas din ang mga barman..sa totoo lang ang galing nila

Ngeek! Buhay pa pala 'to...Kahit sobrang init walang paki ang mamang 'to sa custome nya...sabagay hindi libre ang magpapicture sa kanya kundi may bayad at least 1 dollar
Eto nagtitinda ng alak, t-shirt at kung ano ano pa...tingnan nyo si Manong na nakapula kahit tapos ng nakabili ng beer nakatunganga pa rin
Yayyy! Para sa akin lang yung ngiti niya! heheh Wala pa kasi masyadong dumadaan, habang ako'y nagpicture picture tinanong ako kung photographer ba daw ako..sabi ko naman "yeah professional" heheh feeling eh! At sabay sabi ko ' you know what u can be a good model" ayun ang laki ng ngiti nang kinunan ko ng picture...