Friday, May 30, 2008

Bermuda National Day

It's a big holiday here in the island last Monday in celebration of Bermuda National Day and the event's major highlight is their street parade which is fun to watch. Hindi naman sila mahilig sa kulay ano at observe ko lang halos lahat ng custome ng mga babae ay paiksian ng suot.

Ang mga babae sa buhay isla...lol




Legs..legs..legs na nakakasilaw








And the well behave crowd. Walang sakit sa ulo with regards sa crowd control dito. Unahan lang magset-up ng kanya kanyang tent at may mga dalang folding chairs. They're just like having a picnic along the streets, daming dalang pagkain at inumin.

Actually last year may kasali na Filipino contingent, aside from Africans mga Pinoy lang pinasali among the expats community. Bagong bago pa ako nun at tuwang tuwa ako nung nakita ko ang malaking "the Filipino Association in Bermuda" na banner. I've heard this year may mga grupo daw ng mga lokal ang nagreklamo. Nagselos kasi sa fund na ibibigay from govt. bakit pa daw pag-aksayahan ng pera dapat sa kanila nalang. But seems marami pa ring nag-aabang na ibang lahi, may mga nagtanong pa sa akin kung anong oras dadaan ang Filipino group.


Tuesday, May 27, 2008

Price tag

Ito na ang tag mula sa ating magandang blogger sa Maldives, ayoko sana 'tong gawin kasi nakakahiya pero ang dami ko ng utang na tag sa kanya ...heheh wrong timing naman 'to. Makita nyo Bohol at Manila lang ang napasyalan ko outside Cebu in fact di ko pa nga naikot ang buong Cebu eh pero nagplano na pupunta sa Thailand, Singapore at Hongkong during my vacation. What a shame! Nang dahil sa tag na 'to malamang i'll change my mind dapat ikutin ko muna ang 7107 islands natin.

At sa mga lakwatserong ka blogs ko, kayo nalang babawi sa akin...heheh I'm tagging Ely , ifoundme , doc rio , lyzius , mangyan..

___________________________________________________________________

Show me how much of the Philippines have you travelled &add your link here…
1) Mind bubbles, 2) May, 3) VANITY KIT 4) SOMETHING PURPLE,5.) A DETOUR, 6) Big Eyed Gal, 7) The Chronic Shopper,8) Free IT and Blogger's EBook, 9) Ness 10) Mica11) Bernadeth 12. Bernisaac 13. Expressions and Thoughts14. Our Family Story 15. Mumsified 16. J-B-L-O-G-G-E-D17. Dakilang Islander 18. add your name here



My Lakbayan grade is D!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.


Check it out at Lakbayan - created by Eugene Villar.

Saturday, May 17, 2008

Bahay na Makulay

Nagpapatrol na naman ako last weekend sa isla. Madalas pag mag trip kami na mag-ikot eh sa beach ang bagsak. Minsan sa cruise ship terminals pag may dumating na barko nagbabakasaling may mabingwit na turista na greencard holder..hihiii...kahit sugar mommy man lang!!!

But this time mistulang road trip lang. Pinagtripan ko lang kunan ng pictures ang bahay ng mga Bermudians. Nung bago pa ako dito, sa view pa lang ng mga bahay solve na ako. Bago kasi sa paningin ko. Aside sa lahat ng bubong ay puti at iisang klase lang, lahat ng bahay ay may pintura. Dahil siguro sa frustrations na walang ibang kulay ang bubong nila kundi puti, sa pintura ng bahay nilabas ang kanilang hilig sa mga colors. Kaya ang labas ito sari saring kulay na mga bahay.


Halos lahat ata ng kulay present sa mga bahay dito. Though karamihan medyo light colors marami ring mahilig sa mga strong colors. Dito lang ako nakakita ng bahay na kulay violet. Pag strong colors nga naman ay talagang stand out.


Dati may mga kasabay akong turista sa bus na ang ingay. Tinuro ng nanay sa anak nya yung mga bahay na nakapalibot sa maliit na bundok. Sabi ng nanay sa anak it looks like paradise daw. "What's paradise mom " balik tanong ng bata. " It's something beautiful and colorful" yun lang ang explanation ng nanay sa paradise. Ang babaw heheh.



Ito naman ang mga kabahayan ng mga neighbours namin kung saan ako nakatira ngayon. Hindi na overlooking sa dagat, dati kasi medyo sa toktok ako ng maliit na bundok nakatira kaya overlooking. Aside sa pangit ng ugali kong itim na landlay nakakapagod rin lakarin medyo hilly kasi kaya lumipat ako area na 'to.






/a>