Saturday, May 17, 2008

Bahay na Makulay

Nagpapatrol na naman ako last weekend sa isla. Madalas pag mag trip kami na mag-ikot eh sa beach ang bagsak. Minsan sa cruise ship terminals pag may dumating na barko nagbabakasaling may mabingwit na turista na greencard holder..hihiii...kahit sugar mommy man lang!!!

But this time mistulang road trip lang. Pinagtripan ko lang kunan ng pictures ang bahay ng mga Bermudians. Nung bago pa ako dito, sa view pa lang ng mga bahay solve na ako. Bago kasi sa paningin ko. Aside sa lahat ng bubong ay puti at iisang klase lang, lahat ng bahay ay may pintura. Dahil siguro sa frustrations na walang ibang kulay ang bubong nila kundi puti, sa pintura ng bahay nilabas ang kanilang hilig sa mga colors. Kaya ang labas ito sari saring kulay na mga bahay.


Halos lahat ata ng kulay present sa mga bahay dito. Though karamihan medyo light colors marami ring mahilig sa mga strong colors. Dito lang ako nakakita ng bahay na kulay violet. Pag strong colors nga naman ay talagang stand out.


Dati may mga kasabay akong turista sa bus na ang ingay. Tinuro ng nanay sa anak nya yung mga bahay na nakapalibot sa maliit na bundok. Sabi ng nanay sa anak it looks like paradise daw. "What's paradise mom " balik tanong ng bata. " It's something beautiful and colorful" yun lang ang explanation ng nanay sa paradise. Ang babaw heheh.



Ito naman ang mga kabahayan ng mga neighbours namin kung saan ako nakatira ngayon. Hindi na overlooking sa dagat, dati kasi medyo sa toktok ako ng maliit na bundok nakatira kaya overlooking. Aside sa pangit ng ugali kong itim na landlay nakakapagod rin lakarin medyo hilly kasi kaya lumipat ako area na 'to.






/a>

12 comments:

Lyzius said...

x-rated yung mga pichurs sa pc ko...ahehehe...puro x lang ayaw mag show pichur...

Dakilang Islander said...

mali pagka post ko...inayos ko na

Anonymous said...

maganda talaga mag share ng kapaligiran esp kung asa ibang bayan ka ano? dito medyo nagiging experimental na rin sila sa pintura ng bahay, meron pa nga neon green at neon violet, array ko ang sakit sa mata. pero sempre ang mga kids, gusto daw nila ganon din ang kulay ng bahay namin, hahaha

Dakilang Islander said...

neon green at violet? sakit talaga sa mata pero tiyak agaw pansin ang bahay pag ganung kulay..hehe

eDreGiN said...

Wow! napakamakulay naman ng kapaligiran dyan..dito naman hinde ganun pero yong loob ng bahay ang makulay. hinde lan iisang kulay ang pintura. Multi color dito! hihihi...

Dakilang Tambay said...

wow.. cute ng mga bahay..

ako din gusto ko ng violet na bahay! :)

Lyzius said...

ayun nakita ko na...at makukulay nga po...ahaha...dito sa dubai meron ding mansyon na ube sa me jaffliya lang... ubeng ube talaga mula sa bakod hanggang pintura sa bahay, parang ang sarap dilaan no? hihihihi

Rio said...

ang lalaki namang bahay yan??...
pag ako tlga mapunta dyan sa bermunda..kukulayan ko ng rainbow colors yung bahay ko para maiba naman,,,tapos pikturan mo din ha..hehe=)

Anonymous said...

...weird pero at the same time nakakaaliw naman mga bahay jan. sarap tingnan ng mga pictures..parang laruan mga bahay.;)

escape said...

kakatuwa yung mga bahay kasi kahit iba iba ang kulay ay parang parepareho pa rin ag design. hehehe...

i laughed at her description of paradise para na rin nyang sinabi na ang mga balloons ay paradise. hehehe...

they way i see it... i really like to stay there. i love beaches.

Dakilang Islander said...

@lyzius, ginawa mo namang parang ice cream..lol

@doc, rainbow talaga hah baka ma feature sa guiness na yan

Dakilang Islander said...

@sommer, parang pinapatong lng nga..

@dong, halos iisa lng tlg ang design lahat kc concrete pang hurricane proof...