Saturday, July 26, 2008

Timeout Muna

Pitong araw na mawawala muna ako sa blogging world. Mas pinili kong di na magdala ng laptop while on vacation para makapag concentrate..heheh besides ang bigat na ng tripod at camera ko...

Kita kits nalang sa muli kong pagbabalik!

Thursday, July 24, 2008

I Will Be Here

I will have my weeklong vacation simula ngayong Sabado na. Ito ang pinakahihintay kong araw and a dream come true vacation..Las Vegas and New York! Akala ko dati manatili lang ito na isang pangarap lalo na nung nasa Pinas pa ako. Then came a chance to work in Dubai, i remember lahat kaming magka batch iisa ang pangarap..to travel or work in western countries but we have no idea how. And that was 4 years ago.

I will be in Las Vegas for 3 nights and one thing i'll do is to meet one of my batchmate in Dubai na ngayon Vegas resident na.

From Vegas i'll go straight to New York for 4 nights bago bumalik dito sa isla.

Thursday, July 17, 2008

Beach Drama

astig na bata

giniginaw pa rin si ate

magkamukha?

that's no longer sunbathing dude!




Wednesday, July 16, 2008

House Sit

One of my housemate did a housitting for two weeks. Nagtaka ako dati sa daming wanted ads na housesitter at sa gustong maghousesit for free dito. Parang babysitter, ang housesitter ay mag-alaga ng bahay. When homeowners go for vacation na walang maiwan sa bahay nila they require a housesitter especially if they have pets or yung iba gusto lang na parang may nakatira pa rin sa bahay nila. Normally it's for free. The only perk is you have live that house like your own and use all the facilities.

All my housemate did was to feed the cat. Ensure na dumating yung housecleaner every week and the other cleaner for the swimming pool. Nung nabasa niya ang note from houseowner.."enjoy the pool with your friends and make the house like lived in".. pinagtatawagan kami lahat sa bahay para dun tumambay. Hahah one thing we noticed is a nice patio close to the pool and uhhmmm perfect for barbeque party.


Sosyal ang bbq stand nila no need for charcoal and pamaypay...hehhh


Walang kasingsarap ng bbq pag may kasamang shoktong...hehh

Sabay dive sa pool pagkatapos


And now i'm ready to do a housesit for free as well...but only if with spacious yard and pool. For party venue lang..heheh Anyone?!

Monday, July 14, 2008

Nang Dahil kay BERTHA

Dahil kay Bertha, isang linggong walang update ang blog ko. Nawawalan ako ng gana...puro kaba at pag-alala lang ang nasa isip ko. Minsan may halong takot! Oo! Natatakot ako sa pagdating ni Bertha. Alam ko kasing may mga tahanang mawasak nang dahil sa kanya. Hehehh

Pero teka...who the hell is Bertha?! Siya ay isang hurricane! Pucha! Simula na ng hurricane season dito sa buwan ng July. 2 weeks ago, may weather forecast na may parating na bagyo na dadaan dito sa isla...not just an ordinary storm but strong enough to qualify as a hurricane. Sa awa ng Diyos walang hurricane na dumaan dito last year kaya first experience ko 'to sakali.

Hindi naman nagkulang ang media dito sa pagbigay ng updates at mga babala sa parating na hurricane. May weather tv station at website na updated palagi plus radio stations. Yun nga lang habang papalapit pabago bago ang isip nitong si Bertha. Minsan lumiliko palayo so declared na safe na tapos may warning na naman kasi bumalik ulit. It supposed to come last weekend pero kanina lang dumating. But the good news is it's downgraded to just a storm kaya medyo mahina lang.
But everything was taken seriously here . All airline flights were cancelled, ferry transport was suspended and the incoming tourist cruise ship was diverted to other Carribean island. Yun nga lang i was hoping na magsara ang office namin ng maaga but nope business as usual pa rin..hehh

Wednesday, July 9, 2008

US airlines sucks!!

Babalikan ko lang ang entry na ito sa dati kong blog na inactive na ngayon. Ito'y tungkol sa nawawala kong bagahe sa US airport galing bakasyon sa Pinas. Kahit sa Northwest airline ako from Manila to Detroit then New York na i'm sure sila ang nakawala, responsable pa rin ng American Airlines dahil sila ang last airline in my final journey. Yan daw ang rule.

After a week na hindi pa nahanap, pinasa na ako sa central baggage dept. nila sa US. Pucha lahat ng follow up ko long distance walang toll free number. Hindi rin pwede email. I've filled up their property questionnaire form complete with detailed item descriptions and the cost of each item inside sent by mail. Total cost is 1,600 dollars.

April 5, they acknowledged natanggap na nila ang form na pinadala ko. Now i have to wait another 3 months for them to locate my baggage. Kung hindi pa rin makita that's the time they have to process claims based on my declared items and costs. Today lagpas 3 months na and true enough they send me a cheque. For how much? F*ckin $634.90 only!! Yun lang daw ang maximum liability nila for international traveller! Hindi man lang nakakalahati.

Ito ang problema ko ngayon. Sa total items na $1,600 around $600 hindi sa akin. Pinadala lang na sangatutak na beauty products from Belo group pa kaya sobrang mahal. So paano ko 'to hahatiin na $634 lang ang binayad?!! Advise ng iba akin na lang daw ang buong bayad kasi hindi ko naman kasalanan at mas malaking halaga ang nawala sa akin. I just want to be fair...kaya ano sa tingin nyo?! Tulong naman dyan Ate Charo! heh