Wednesday, July 9, 2008

US airlines sucks!!

Babalikan ko lang ang entry na ito sa dati kong blog na inactive na ngayon. Ito'y tungkol sa nawawala kong bagahe sa US airport galing bakasyon sa Pinas. Kahit sa Northwest airline ako from Manila to Detroit then New York na i'm sure sila ang nakawala, responsable pa rin ng American Airlines dahil sila ang last airline in my final journey. Yan daw ang rule.

After a week na hindi pa nahanap, pinasa na ako sa central baggage dept. nila sa US. Pucha lahat ng follow up ko long distance walang toll free number. Hindi rin pwede email. I've filled up their property questionnaire form complete with detailed item descriptions and the cost of each item inside sent by mail. Total cost is 1,600 dollars.

April 5, they acknowledged natanggap na nila ang form na pinadala ko. Now i have to wait another 3 months for them to locate my baggage. Kung hindi pa rin makita that's the time they have to process claims based on my declared items and costs. Today lagpas 3 months na and true enough they send me a cheque. For how much? F*ckin $634.90 only!! Yun lang daw ang maximum liability nila for international traveller! Hindi man lang nakakalahati.

Ito ang problema ko ngayon. Sa total items na $1,600 around $600 hindi sa akin. Pinadala lang na sangatutak na beauty products from Belo group pa kaya sobrang mahal. So paano ko 'to hahatiin na $634 lang ang binayad?!! Advise ng iba akin na lang daw ang buong bayad kasi hindi ko naman kasalanan at mas malaking halaga ang nawala sa akin. I just want to be fair...kaya ano sa tingin nyo?! Tulong naman dyan Ate Charo! heh

32 comments:

Anonymous said...

gusto mo ng advice na medyo brutal? eto. pumunta ka sa isang lawyer. explain mo ang nangyari... then sabihin mo (at kung decided ka) na kasuhan mo sila... then kuntyabahin mo. kung may makukuha kang pera, hati kayo. kung hindi nya mapanalo, walang bayad... okay na ba yan? kasi if you won't do that, mangyayari na lang yan parati eh.

Anonymous said...

Nakuuuu KOYAHHH!!! KOYAH KOYAH KOYAH! Yan na yan ang reason ko why I refuse to bring padala here and padala there dahil nga sa liability na yan.

Ngayon, pag me nag-padala, although nakakalimutan ko naman dahil ulyanin na ang lola, i try to make sure na alam nila ang rule ko na pag nawala bagahe, i don't have any liability dun sa padala nila in other words, pag ako me nakolekta, those will be for me.

Now, it's kind of tough on your part eh kasi baka nakipag-arrange ka na dyan sa belo receiver products na me matatanggap ka, in other words, binilang mo na ang itlog bago to lumabas, you know.

Kausapin mo na lang sila ang explain to them the situation. Alangan namang walang matira sayo.

OFF TOPIC:
Mukhang tatamaan kayo nang bagyo KOYAH. Ingat. Ipako mo lahat nang bagahe mo hehehe charing lang!

Anonymous said...

Here's my take:

Strictly speaking (by that I mean, lawfully) you are not at all liable to pay for the BELO products. It was not your fault the products got lost.

However, it is more socially acceptable to pay for it, para wala na lang usap-usap between relatives. Back stabbing do happen more frequenly between relatives, you know.

If I were you, on the other hand, I definitly WON'T. I've been through enough ordeal loosing what's mine, and besides diba sila naman humingi ng pabor to include that VANITY junks in your luggage, hence, don't add-up. Suffer the sad and unfortunate truth.

I am such a whiner and very practical.

Lyzius said...

hindi na ba nila maibabalik yung bagahe mo? sobra naman yata yung polisiya na yun...

siguro naman di mo na nga kasalanan yun, so maiintindihan na dapat nung nagpadala sayo na ganun ang pang yayari..

ngapala, salamat sa pagdalaw ha,..edited yung version...tinanggal ko yung part na sinabi nyang kamukha ko raw si pokwang...ahahaha...trulalu ba yun bro?

The Islander said...

Pahamak gyud nang si Belo bah. Hehe. So pano yan, from the infamous tag line of Belo commercial "Only Belo touches my skin, who touches yours", in this case belo did not touch their skin. So who touches theirs? Haha.

Baka type mong irevive ang isang blog ko dati na reclamador... pwede tayong magreklamo dun. haha.

RJ said...

grabe naman yun, para ka palang si 'gaylord focker' na nawalan din ng bagahe, pero nakuha din naman. sayo ba hindi na? tsk tsk. kakatakot pala ang mga padala padala na yan, buti na lang puro mga lutong ulam at mga delata lang ang mga pinapadala sakin lagi.

Anonymous said...

dude, kung may kakilala (yung pwedeng free..lols) ka naman dyang astiging lawyer na pwedeng mag file sa kaso mo. And besides, hindi naman talaga fair yun. Ikaw na nga nawalan eh...diba?
-
wei

escape said...

tama lang na sayo na yan lahat kasi hindi mo talaga kasalanan yon at nakisuyo din lang naman sa yo.

Dakilang Islander said...

@ifoundme, naku ang mahal ng abogado dito at walang papayag ng ganun na deal..mga mukhang pera sila dito..hehh

Dakilang Islander said...

@reyna elena, ang haba ng comment mo hah..tama ka dyan i assured her na may datung na makukuha kasi akala ko $3,000 ang maximum liability nila pang domestic lang pala ngayun...

nakaantabay nga kami sa hurricane na parating na yan..

Dakilang Islander said...

@dissatified whinner, may tama ka..ang iniisip ko kasi baka kung ano anong maririnig ko sa kanila

Dakilang Islander said...

@lyzius, nagheal na ba ang broken heart mo? hehehh hindi ko naisip yun na kamukha mo si pokwang ah...mabalikan nga ang photos mo

Dakilang Islander said...

islander, may ganun pala silang linya...eh never been touch pa ako eh..hehheh

Dakilang Islander said...

rj, nagdadala ka ng ulam? pwede kaya ang lechon..hehh ayoko na talaga magdala sa susunod

Dakilang Islander said...

wei, ayoko nalang sa lawyer lawyer na yan ang mamahal kasi ng bayad sa kanila baka ang makuha ko hindi pa sapat pambayad

Dakilang Islander said...

the dong, yun din naman talaga ang nasa isip ko...pero alam mo na baka may masabi pa sila

eDreGiN said...

-another horrible baggage handling story....sad, sad, sad!

d whiner is right...it wasnt your fault...nakikisuyo lang sila and sa pakisuyo na un me kalakip na di magandang nangyari, huh, hehehe...

That amount of money na nakuha mo eh kulang pa sa pagwoworry mo over the padala kung nasaan na bag mo, the days na nabwibwitit ka dahil dun sa poor handling ng bagahe mo, and etc'.

I believe dimo kailangan magbigay ng konting halaga sa nagpadala sayo. Other reasons hinde ko na mailaborate hahaba lang tong comment ko eh malapit na ma -off topic ata komentaryo ko, hahaha'

Ayaw kabiro uy' ibangko na kanang kwartaha sa imong bank account' :=))

Rio said...

3 months? ang tagal na nun ah!
explain mo nalang sa mga nakisuyo sau ang hindi magandang pangyayari=)

Hindi mo din naman ginusto na hindi makarating ang belo's product nila e..
malamang may kinalaman ang Calayan Center dito..hehe..joke lang=)

Oman said...

gratis ba yung mga padala nila or nagbayad sila? if gratis, then they should bear the loss because it's not your fault. pag nagbayad naman sila sayo, it is better to reapportion the amount collected based on the total cost of the loss.

however, to show goodwill, since di mo rin naman nakuha lahat. i consider mo na lang yun na loss at partehan mo na lang sila sa proceeds kung gusto lang naman nila.

Ely said...

Hirap pala mawalan ng bagahe. tsk tsk.

Dakilang Islander said...

@edregin, binangko ko na pero hindi pa pumasok hanggang ngayon...heheh maya ko na lang isipin kong hahatian ko ba 'to o hindi

Dakilang Islander said...

@doc rio, hahahh sino ba talaga ang magaling sa kanila?!

Dakilang Islander said...

@lawstude, libre ang padala nila..yun na rin ang sa isip ko unless magoffer magoffer na wag nalang siyang bigyan mas ayos!

Dakilang Islander said...

ely, sobrang hirap..kabwisit nga

Rio said...

magaling? malay ko! hehehe..
hindi pa ako nakakapasok kahit saan dyan..ang mahal e..kalamansi lang gamit kong pampaputi..hehe

Dakilang Islander said...

heheh kalamansi with suka pa...hehe parang kilawin

Anonymous said...

alam mo merong mga consumer groups that could help you about that for free. tulad dun sa isang magazine Good housekeeping, ipadala lang dun yung complaints mo e sila na mag follow up.

pero kung padala lang, malas na lang kung nawala yung bagahe mo. i dont think you should need to pay for that esp since pati naman ikaw e nawalan. kaya ngayon, medyo dahan dahan na sa mga padala na yan :)

Anonymous said...

aba, aba, aba't smuggler ka pala ng Belo products! hehehe... joke lang. kaya naman pala napag-interesan ang bagahe mo eh. treasure ang laman!
God bless and good luck on your next baggage claim!

Rio said...

waahhh!! ang tamad!! walang bagong post!! hehe=)

Dakilang Islander said...

@kengkay, oo nga..i've learned a lesson now...hirap magdala ng mamahaling gamit na hindi sa'yo pad dumating ang ganitong sitwasyon

Dakilang Islander said...

@bro utoy, heheh may calayan pa nga sana naiwan lang...hehheh ewan ko ba sa mga kabayan ko dito hilig magpaputi...

Dakilang Islander said...

@doc rio, hiatus muna..hehh