Saturday, October 3, 2009

Ito Na

Madaliang update lang. Few minutes from now ay aalis na ako papuntang airport. Ngayon ang simula ng pinakahihintay kong long vacation na napostponed 6 months back. Ang aga sana ng flight ko pero tumawag ng madaling araw ang american airlines na delayed daw ng 3 hours ang flight.

Magstay muna ako ng 3 days sa New York before going to Manila. May i-meet lang ako mamayang gabi then the rest solo flight na akong magliwaliw. Sabagay pangalawa ko ng punta dito so medyo relax na, first time ko pa naman 'tong mag-isa mamasyal sa ibang bansa. Ang tanga tanga ko kasi sa mga directions at laging mawawala.

Then sa Tuesday ang byahe ko to Manila. Sana okay na ang panahon at wala ng bagyo. Hindi pa ako decided kung deretso ba agad ako sa Cebu o hindi.

By the way, sa New york na ako maabutan ng birthday ko bukas!