Sunday, November 1, 2009

Paparazzi

My 3 weeks vacation is over! I'm now back in the island coughing non stop all the way from Manila and now it's killing me. Flu alert? I hope not!

I stayed 3 nights in New York before heading to Manila and 1 night bago bumalik dito sa isla. Sa sobrang mahal ng city na 'to halos di na ako natutulog at talagang sinusulit ko na! The hotel i stayed was very close to Times Square area kaya sa umaga pa lang dito na ako nagliliwaliw.

Times Sqaure, New York

Nadaanan ko ang studio ng Good Morning America of ABC news. Maraming tao sa loob ng studio pero mas marami ang nakaabang sa exit door kahit umuulan at may mga paparazzi so nakiusyoso din ako..

Ang engot lang ng isang paparazzi na mukhang intsik, tinanong ko lang kung sino ang lalabas at ayaw pa sabihin!
Nung lumabas na ang lalaking 'to sa totoo lang di ko siya kilala. But he must be famous dahil ang laki ng mga pictures nya na pinapa-autograph ng mga fans and the paparazziz were calling him Patrick. Nahiya na ako magtanong kung sino siya, gino-google ko na lang pag-uwi. Siya pala si Patrick Dempsey, Grey's Anatomy star as Dr. Derek Shepherd.

Tapos sa loob na naman ang attention ng mga tao. Opps, parang kilala ko na 'to. Si Reese Witherspoon, ang liit parang 12 years old lang! She's promoting her avon perfume ata.




During her exit at the studio, nag sign naman ng autograph pero ang bilis.

GMA's anchors Dianne Sawyer and Chris Cuomo with a studio audience.