Monday, July 14, 2008

Nang Dahil kay BERTHA

Dahil kay Bertha, isang linggong walang update ang blog ko. Nawawalan ako ng gana...puro kaba at pag-alala lang ang nasa isip ko. Minsan may halong takot! Oo! Natatakot ako sa pagdating ni Bertha. Alam ko kasing may mga tahanang mawasak nang dahil sa kanya. Hehehh

Pero teka...who the hell is Bertha?! Siya ay isang hurricane! Pucha! Simula na ng hurricane season dito sa buwan ng July. 2 weeks ago, may weather forecast na may parating na bagyo na dadaan dito sa isla...not just an ordinary storm but strong enough to qualify as a hurricane. Sa awa ng Diyos walang hurricane na dumaan dito last year kaya first experience ko 'to sakali.

Hindi naman nagkulang ang media dito sa pagbigay ng updates at mga babala sa parating na hurricane. May weather tv station at website na updated palagi plus radio stations. Yun nga lang habang papalapit pabago bago ang isip nitong si Bertha. Minsan lumiliko palayo so declared na safe na tapos may warning na naman kasi bumalik ulit. It supposed to come last weekend pero kanina lang dumating. But the good news is it's downgraded to just a storm kaya medyo mahina lang.
But everything was taken seriously here . All airline flights were cancelled, ferry transport was suspended and the incoming tourist cruise ship was diverted to other Carribean island. Yun nga lang i was hoping na magsara ang office namin ng maaga but nope business as usual pa rin..hehh

24 comments:

escape said...

ingat kayo dyan. sana nga lumihis na yan or kahit papaano hihina na't baka kung anong damage na naman ang aabutan ng mga bahay at resort dyan.

RJ said...

i wish ganyan din ang sistema sa pilipinas. kung sa atin yan eh baka ambon lang ang ibalita ng PAGASA at bumyahe pa rin ang lecheng SULPICIO.

Si Me said...

well, nature 'yan eh, ayaw o gusto man natin, darating at darating 'yan... bro magkamag-anak ba si bertha at frank? o friends lang sila?

anyways, ingats nalang kay bertha..

The Islander said...

well, gudlak kay bertha. pag dumating sya, wag kang matakot. harapin mo sya ng buong tapang at buong sigasig.. at sabihin:

Day, dila ray way abod nimo!

hehe

Photo Cache said...

sana lumiko ng di kayo apektado.

Dakilang Islander said...

@dong, dumaan na kahapon buti't mahina nalang kaya walang damage

Dakilang Islander said...

@rj, kabwisit nga yung aksidente sa atin ano...

Dakilang Islander said...

@mangyan, mag-asawa ata sila na nagkahiwalay kaya naghasik ng lagim...heheh

Dakilang Islander said...

islander, heheh paboriong xpression mana sa akong lolo sa una...

Dakilang Islander said...

@photo cache, tumuloy pa rin pero humina nalang

Rio said...

buti at nakalagpas na si bertha?
kmusta k naman dyan?
sana wala na ding anak si bertha na sumunod=)
ingat lagi...

eDreGiN said...

-naku! scary pag me hurricane talaga...buti nalang at lumihis si Berta eh kung natuloy eh baka mahubaran ka' huh' wehehehe...ayo ayo dinha ha'

Anonymous said...

buti naman, napaghandaan na dyan si bertha, kahit mahina lang ano? hehehe...
unlike here....
-
wei

Anonymous said...

mabuti naman at lumihis ang hurricane! ibig sabihin may pasok kayo, hehe

Anonymous said...

Nice to visit n ur site. Have a nice day ! Greeting's from Indonesia ! Thx

Dakilang Islander said...

@doc rio, ayos lang naman ako..nakasurvive pa kay bertha..hehh

Dakilang Islander said...

@edregin, heheh grabi mahubaran talaga... katakot nga talaga buti nalang masyadong maliit ang isla di masyado tumama

Dakilang Islander said...

@wei, eh mga boyscout kami dito eh..hehh

Dakilang Islander said...

@kengkay, lufet talaga ng amo namin..ayaw magsara ng office

Dakilang Islander said...

@aki2-ngeblog, thanks for dropping by too and leaving a comment

Anonymous said...

well at least puro alak ang aatupagin mo sa middle nang bertha hehehe!

buti tinakot mo at lumihis! hehehe

Dakilang Islander said...

heheh kala kasi ni bertha uurungan ko sya..

Anonymous said...

hi dakilang islander.. just to say i was impress with your blog content... keep it up.. i dont have blogaccount but i continously read my friends blog and nacurious lng with yours so i visit. the last 2 blogs pa lng nabasa ko and i can say your talented... madalas kc umandar pagkapsyco ko.. hehehe. anyway, keep it up, goodluck always.

Dakilang Islander said...

is dis true?! heehhe salamat ng marami pero baka pag mabasa mo na lahat bawiin mo ang comment na ito..heheh

thanks uli...sana magpakilala ka naman..