Saturday, September 6, 2008

My first experience as a pick up boy





















Dito ang puwesto ko araw araw. Sa pink pole pag umaga at sa pole na blue naman tuwing gabi. Hindi para magpole dance heheh..kundi para mag-abang ng bus..Ganito lang kasimple ang pagcommute dito sa isla. Kung gusto mong pumunta ng Hamilton(capital city ng Bermuda) hanapin mo lang ang pink pole or if going away from Hamilton just look for blue pole at dun mag-abang ng bus.

Dahil sa Hamilton ang office namin, sa pink pole ako lagi nakasandal tuwing umaga. Sanay na ako sa mga titig na may halong pagnanasa ng mga motoristang dumaan, ewan ko ba masyado lang ata akong gwapo na muntikan na silang magka-aksidente dahil sa kalilingon sa akin...hahah feeling lang!

Until one day may kotseng huminto sa harapan ko. "Are you going to town?" tanong ng babae na mukhang lola na sabay ngiti. Sabi ko, oo. "It's really hot outside, come on hop in!" Di ako agad nakapag react, it's my first time her that a complete stranger offer a ride. May batang nakaupo sa backseat kaya sa isip ko safe ito, mahirap na ano baka ma-rape pa ako..heheh

She started her interview portion, my nationality, saan ako nagtrabaho, nakatira, ano ang trabaho muntik na pati height & weight ko ay itatanong. Hirap na hirap mabigkas ang pangalan ko kaya inii-spell ko pa (may pagkamuslim kasi name ko..heh). Gusto pa ipasulat sa apo nya para daw di malimutan, eh walang ballpen so she asked her to help remember my name. Ilang beses nilang inuulit ulit pagbigkas ang pangalan ko pero ako nalimutan ko na ang pangalan nya at nahiya na akong magtanong uli. Kilala daw niya ang landlord namin at magkapitbahay lang kami.Sabay sabi na papasyalan daw nya ako sa bahay tuwing weekend. Napasigaw ako ng BAKIT?!!! Heheh maging stalker ata ang lola na 'to sa akin. At ang huling hirit "have you heard about Jehovah's Witness, i belong to this religion and with all violence happening around involving young kids we have to spread the blah blah blah.."

If you see, it's not a free ride afterall. Pag-uwi ko ng bahay unang bilin ko sa mga housemates ko pag may maghanap sa akin sabihin nyo wala ako. I have nothing against Jehovah's Witness or any other religion, ayoko lang ng distorbo.

65 comments:

The Islander said...

nyahaha! isa lang ibig sabihin nyan, di ka mukang pokpok, mas mukha kang pari. hehehe. tingin nya siguro e mukhang anghel ka kaya hinihikayat ka nyang sumanib sa pwersa nila.

Anonymous said...

hahaha! kala mo ha... kala mo may crush na sayo si lola...

Dakilang Islander said...

@islander, hahah actually parang insulto sa akin! sabihin ko sana na bakit mukha ba akong kriminal at involve sa mga violence na yan para hikayatin sa grupo nila..hhehe

Dakilang Islander said...

@ifoundme, nyahhh eh kasi gusto pa naman akong bisitahin yun pala iba ang pakay!

the spool artist said...

hahaha, this is really hilarious... if i were in your shoes, i would have offered to sell her insurance also para she'll be held out on the other end... or perhaps offer her Forever Living Products or a Tupperware Party!

That way, she'll think twice before offering her religion!

RJ said...

mukha ka raw sigurong nawawala na sa landas. nyahahaha! wala namang masama sa ganyan, pagpapakita ng nice deeds para ipakilala ang kinikilalang paniniwala. kaysa naman doon sa nagbabahay bahay para magbenta ng kung ano ano.

sabagay, first step na yung ginawa nya sayong pamimik-up. pagpunta nya sa bahay nyo ay bebentahan ka na rin ng mga booklets at magazines. hahaha!

Dakilang Islander said...

@spool artist, magandang suggestion yan ah di bale next time yan ang sasabihin ko heeh

thanks sa pagbisita

Dakilang Islander said...

@rj, di naman talaga masama pero wala akong time magentertain at makinig sa sermon nila noh..magbloghopping nalang ako! hehe

UtakMunggo said...

ayun naman pala ang hangarin nya.
ako naman eh mabait ring tao (wag lang po papansinin ang mga sungay ko).. pero ayoko sa lahat yung pinagsisiksikan sa akin ang pananampalataya. i am a lost soul and i am searching for the right path but i want to find it on my own... and not with anyone's help. unless of course ako na mismo ang humingi ng direksiyon.

Ely said...

hahaha. gusto ka isali sa kanilang church. Sa totoo lang mababait sila lalo pag hawak yung mga magazines nila (ewan ko lang pag hindi na). Meron mag-asawa sa amin, for many years, lagi nagpupunta sa bahay nililigawan mama ko. Pero solid catholic mama ko kaya bigo sila, ayun andaming Jehovah's witness na magazine sa bahay, ni minsan di man lang binasa ng mama ko. hehehe.

Dakilang Islander said...

@utakmungo, tama ka dyan. tahimik na ako sa relihiyon ko at kung sakali maglipat ako it must be according to my own will. but if she offered a free ride everymorning tiyak makikinig ako sa mga sermon nya..hehh

salamat sa pagbisita..

Dakilang Islander said...

@ely, ewan at anong nakita nya sa akin at napagtripan ako. gusto lang siguro ng diversity sa group nila heheh...buti nga ini-entertain pa ng mama mo may kapitbahay kasi kami dati di na pinagbuksan ng pinto..

Lyzius said...

malamang mukha ka raw nilalang na malapit ng maligaw ng landas kaya ka hinihikayat...ahahahaha...joke lang!

malay mo naman paraan nya lang yung JW para madalaw ka..then saka ka na liligawan...ahahaha

Dakilang Islander said...

napahinto lang ata yun dahil sa kagwapuhan ko! hahah

Anonymous said...

ang galing ni lola, hahaha. dito, ganyan din sila kalakas ng presence, nagdo-doorbell yan sila o kaya kahit na sa mga bus stops, ganun din.

teka, pano kung may magpalit ng kulay nung mga poste? edi kagulo ang mundo nyo dyan, hehe

Photo Cache said...

ganda ng procedure dyan color coded, friendly para sa mga bagong salta sa isla ano.

hah, dapat siguro lahat ng mga fanatical sa religion ay mag pick up ng mga hitchikers para di makaiwas. kasi kung kakatok sila sa pinto mo, di mo sila pagbubuksan eh.

gaya niyan, wala kang kawala :)

Dakilang Islander said...

@kengkay, kahit saan pala ang mga 'to talagang agresibo...

naku kung mangyari yan aabutan ako ng magdamag sa kalye heheh

Dakilang Islander said...

@photo cache, eh kasi isa or dalawang daan lang naman ang main highway from end to end dito sa isla...

oo nga eh pero pag araw arawinnaman akong pik-apin ayus lang sa akin..hehe

Dakilang Islander said...

@photo cache, eh kasi isa or dalawang daan lang naman ang main highway from end to end dito sa isla...

oo nga eh pero pag araw arawinnaman akong pik-apin ayus lang sa akin..hehe

Rio said...

buti at hindi ka nya ni prepreach habang nasa trip kau?? hehe

escape said...

lagot! hehehe... at least hinatid ka naman niya.

pamatayhomesick said...

kala ko yung pole na pink-sa babae,at yung blue sa lalaki...interesting naman yung mga pole nayan...

Dakilang Islander said...

@rio, tutulogan ko talaga kung sakali hehh

Dakilang Islander said...

@dong, mas type ko nga magpapickup uli...hehh

Dakilang Islander said...

@everlito..hheh ayos naisip mo ah

Si Me said...

nowadays, with all the inflation thing, dont expect for a free stuff..lahat ngayon may bayad, lahat may kapalit...wait, the only thing that is free is the air we breath, so pakasawa na tayo habang libre pa.. xx xx xx

Oman said...

akala ko pa naman nagwapuhan sayo yung lola, yun pala eh gusto ko lang i-convert. baka nga napagkamalan kang pick-up boy lols.

pare, salamat sa pagbati sakin. i appreciate it. ingats lagi.

Anonymous said...

pre kala ko sumaydlayn ka bilang pole stripper, pick-up boy pala hehe

.::. Vanny .:. said...

wow! pink pole.. kikay! hahaha. =)

ingat! na miss ko d2! =)

Dakilang Islander said...

@mangyan, hirap na rin ngayon kahit libre ang hangin polluted pa..hehe

Dakilang Islander said...

@lawstude the birthday boy! hope u had a blast sa b-day celeb mo..hehhe

Dakilang Islander said...

@madbong, pwd na rin magpole stripper parekoy hehhe tighirap eh

Dakilang Islander said...

@vanny, yay nabuhay ka uli..bz pa rin ba

Anonymous said...

tae..mukang usong uso exchange dyan ah?!!!
nexttime, wag ka na sumakay kahit chikababes pa yan =))
-
wei

Dakilang Islander said...

@wei, basta di lang ako gasahain sasakay uli ko..hehh

Dakilang Islander said...

@wei, basta di lang ako gasahain sasakay uli ko..hehh

Anonymous said...

the ride home must've been awkward for you. at least the lola didn't rape you, though! haha.

JanZeE_tripper said...

naku iwas ka sa mga ganu i-bri-brain-wash ka nila..

new here pasyal ka sa site ko

Ambo said...

Pati pala si Bayani Fernando nakarating na jan dahil sa pink pole na yan hehehe. Nice experience brother pero nakakadaloa di ba hahaha.

Anonymous said...

sabi kasi nila......nababasa ng tao kung ano ang isang tao sa pagmumukha...


bumalik ka sa wastong landas..

please...??

for me nalang?ahahaha

The Gasoline Dude™ said...

I have nothing against Jehovah's Witness, pero ang natatandaan ko wala silang cross. Saka makukulay ang mga pamphlets nila andaming pictures. Hehe.

Anonymous said...

Hi! Just curious...How did you process your visa for Bermuda? there is no Bermuda consulate/embassy in the Philippines. What documents/papers did you present at the airport (Philippines) when you left for Bermuda?

Thank you and good luck!

Anonymous said...

Hi again! my apologies, but i just need your much needed thoughts on my queries. I was offered a job in Bermuda. Will a work permit and employment contract enough documents to show upon arrival in the Bermuda immigration? what were the papers required from you at the Philippine airport/immigration prior to leaving? Please advise. Thanks!

eDreGiN said...

-hala! asa naka? kaw naman nawala sa sirkulasyon...mag-update ka na...bawal ang tatamad-tamad! hahaha

Anonymous said...

hahaha! they can be a bit persistent no? ;-) naks! pick up material ka pala eh

Anonymous said...

Kabayan! Maraming salamat sa pagbisita!
Isasama na kita sa mga sambuddies!
Astig ka!
Ipagpatuloy ang pagbabahagi ng kwento jan sa isla!
Mabuhay!

Dakilang Islander said...

@acey, sa awa ng diyos nakauwi pa ako na buo ang pagkatao ko..hahah

Dakilang Islander said...

@janzee_tripper, di ako basta basta mabrainwash lalo na pagdating sa relihiyon...thanks sa bisita

Dakilang Islander said...

@ambo, oo nga ano ang mga public bus pala dito puro pink din ang kulay..hehh

Dakilang Islander said...

@maldito, hmmmpttt! so ibig mo sabihin mukhang nawala na ako sa landas! hehh

Dakilang Islander said...

@gas dude, aba mukhang alam na alam mo ah..ex jehovah ka ba? heheh

Dakilang Islander said...

@kulot, pasensya na sa late na reply..hiatus lang

congrats at i-wewelcome na rin kita dito sa island on the rockz! hindi na kelangan ang visa...enough na yung original copy of your working permit at saka employment contract...make sure din na ang hawak mong ticket is round trip, required yan dito sa bermuda immigration..hindi ako galing Pinas kasi dumiretso na ako from dubai dati but it must be the same...sa mga transit point mmo during your travel may mga ignoramus kasi na mga airport staff na maghahanap pa ng kung ano ano..explain mo lang na working permit lang ang kelangan to work in bermuda..ask them to visit bermuda immigration website kung ayaw maniwala...sa dubai airport kc date hinahanapan ako ng greencard to think na hindi part ng US ang Bermuda

magmessage ka lang king may mga katanungan ka pa uli and i'm than happy to reply your queries

Dakilang Islander said...

@edregin, hmmpt eto na back to business na ako hehh

Dakilang Islander said...

@caryn, hahah oo nga eh

Dakilang Islander said...

@samjuan, thanks din...add na rin kita

Anonymous said...

maraming salamat pare ko...anyway, am sure i'll keep in touch, kse apart from the HRD ng hospital, ala naman akong kakilala diyan, hehehe! am scheduled to be there by november 1. See you! Thanks again!

Dakilang Islander said...

sa king edward hospital ka ba? ang isang housemate ko kasi nurse dun sa hospital na yan

Anonymous said...

opo, pinalad na bigyan ng trabaho sa ICU nila. Ganun ba? eh di marami na palang pinoy nurses diyan? I was also forwarned na mahal yung rent diyan, but I can stay sa staff accommodation for a max of 6 mos., sana makahanap din ako ng murang matitirhan before the end of the 6-month period. Sana magkita-kita tayo diyan so you guys can give me some needed advise in finding a cheaper rent.

P.S.At least me beer diyan, hehehe, sa saudi wala!

Dakilang Islander said...

wow kapatid ihanda mo na ang sarili mo being an instant millionaire..hehh oo maraming pinoy nurses dun at saka nag-iisang ospital lang yan dito sa isla...grabi sobrang nakakainggit sa laki ng sahod ng mga nurses dun lalo na masipag ka magovertime! alam ko yun dahil sa housemate ko na nurse din...u dont have to worry sa tirahan, sa sahod nyo u can afford kahit studio apt. pa pero pagpraktikal ka makahanap nman ng medyo mura pra mas malaki savings

kulot said...

sana nga para naman masaya, hehehe! hayaan mo at hahanapin kita pag umapak na yung dalawang paa ko diyan. I have a lot to thank you for giving us pinoys insights on how it is in Bermuda. Although I was a bit hesitant at first in taking the job, but your blog helped me, your thoughts were part of my basis before deciding to take the job. All the while I thought kokonti lang pinoy diyan, especially sa hospital. Who knows baka sumiksik din ako sa bahay mo...hahaha!

Dakilang Islander said...

aba may blog ka na!! heheh ipagpatuloy mo yan para marami na tayo dito na may blog...pero pag andito ka na wag mo ako ibuking na aking 'tong blog na 'to ha..hehhe

i think mag-enjoy ka siguro dito..konting adjustment lang..oi pasalubong ko ha! hehh

kulot said...

daghan kaayo danggit sa cebu!!!

Dakilang Islander said...

wow!! kalami..ahihii

kulot said...

by the way pare ko, sa mga stop-over flights mo sa US territory on your flight to Bermuda, did they require a US visa? tanga kase yung sa travel agency dito, they insist that a US visa is required even on transit or stop-overs sa US territory. Is this true? thanks!

Dakilang Islander said...

OO..kahit dumaan ka lang sa US kahit sa airport lang kelangan pa ng transit visa..ewan ko lang dyan dito di rin sila basta basta nagbigay ng transit visa daming mga na-deny...kaya karamihan sa mga bagong dating dito sa UK na dumaan dahil walang visa requirements dun mahal nga lang pamasahe...pero sumubukan mo na mag-apply ng US transit visa dyan wala namang rason para i-deny ka nila