Monday, June 9, 2008

Bermuda bowling...Pinoy style

Isang malaking bowling tournament exclusive for Filipinos ang ginanap kahapon dito sa isla. Lahat welcome basta makabuo lang ng team(5 members each group) at may pambayad ng registration fee na 30.00 dollars. Sa dami ng naglabasang Pinoy na yung iba first time ko pang nakita pakiramdam ko parang nasa SM bowling center lang ako. I'm not really a bowling enthusiast pero sumali na rin ako marunong naman akong magbato ng bola eh.


The bowling center was closed to public for 3 hours just to give way this event.


And the action begin! Pinoy style talaga 'to dahil simula hanggang matapos wala kang marinig kundi hiyawan at tawanan. Indeed masayahin talaga tayong mga Pinoy. Sigawan at tawanan kung may naka i-strike at kung na-canal naman ang bola ay mas malakas pa ang tawanan. Eh karamihan canal so walang tigil sa katatawa. Isa pa ay yung walang tigil sa piktyur piktyur.







And it's time for the awarding. Huwag nyo na akong hanapin sa pic dito dahil kulelat ang team namin..heheh Ginawa nalang nila akong photographer.

Green team - Champion

Black team - 2nd place

Brown team - 3rd placer

21 comments:

Anonymous said...

asan ka dito?! hahahaha! maganda ang organization ninyo! kami dito sabogggg!!! hahahaha

Oman said...

Wow, it looks like a fun event. Mainam yang ganyang event kasi ibang magdamayan mga pinoy eh. At least di kayo na hohomesick.

Ingat lagi.

eDreGiN said...

-buti pa kayo dyan! dati dito me nag-iisang maliit na bowling center kaso mga pinoy lang pumupunta at kokonti lang dipa ata aabot ng 10...in short, nagsara sya! yan back to normal kana, hihihi....

Si Me said...

gawin ka bang maniniyot.. he he he... kahit saang panig talaga nang mundo kilala tayong mga pinoy bilang masayahing mga tao...

congratulations nalang sa mga nanalo, blowout!!! at congratulations rin sa'yo bro for nice shots..

Rio said...

hmm...sigurado kang wala ka dyan sa mga pics?? e parang ikaw yun naka...hehehe=)

Anonymous said...

wow! at least parang nasa pinas ulit. sana kahit kulelat eh nagpapiktyur pa rin

escape said...

dami rin palang pinoy dyan. parang gusto ko na ring pumunta dyan. adik kasi ako sa beach.

saya talaga pag magkasama sama ang mga kabayan. wala ng tatalo pa sa tawang pinoy.

Dakilang Islander said...

@reyna elena, kulelat nga team namin kaya wag mo na akong hanapin dyan...hehh

Dakilang Islander said...

@lawstude, tama ka dyan kahit papaano nakawala rin ng humsick ang ganitong klaseng activities

Dakilang Islander said...

@edregin, talaga wala palang mahilig dyan magbowling buti ang mga lokal dito marami ring naglalaro may dalawang bowling center sila ata dito at oo back to normal na ako..heh

Dakilang Islander said...

@mangyan, observe mo mga pinoy sa public places tulad pag sumakay sa bus puro nakangiti kahit walang dahilan...

Dakilang Islander said...

ifoundme, naging maniniyot nalang ako eh nalimutan ko na piktyuran ang sarili ko hehh

Dakilang Islander said...

doc rio, saan dyan? hehhh

Dakilang Islander said...

dong, magsawa ka talaga sa beach dito..try mo punta dito yung nga lang sobrang layo from Pinas

.::. Vanny .:. said...

wow! green team ang champion! woohoo! galing tlaga ng green team.

nyahaha. as if kilala ko cla.

wala lang.. love ko lang ang color green. haha

RJ said...

nung nag-oopisina pa ako sa pilipinas puro bowling ang sportsfest samin, pero nakakamiss din kahit papano. hehehe

Ely said...

Ayun oh! Nasa likod, natakpan ng crowd! hehehe

Dakilang Islander said...

@vanny, bakit anong meron sa green? hehh

Dakilang Islander said...

rj, buti ka pa nung sa pinas pa ako during PE class lng ata ako nakalaro ng bowling

Dakilang Islander said...

ely, nasaan..nasaan? heheh

Ambo said...

Hinahanap ko nga din yung me ari ng blog na to hahahaha. Saya pag bowling lalo na pag me hawak na boteng san miguel! lols