Sunday, August 10, 2008

Arrival

Akala ko tapos na yung pagtatakbo ko sa airport. May connecting flight kami sa Philadelphia for 1 1/2 hour bago mag Las Vegas. Pucha naman nakalapag na ang eroplano pero naka-istambay muna ng sobrang kalahating oras..hindi pa kami makababa dahil daw sa traffic. Pang lima pa ang flight namin para makalapit sa terminal! 30 minutes nalang ang natira for our Vegas flight bago ako nakalabas ng eroplano. Eh terminal A kami bumaba tapos nasa terminal C ang connecting flight namin...napakahabang paglalakad sabay takbo na naman!

Limang oras ang flight to Vegas! Pero tubig at softdrinks lang ang libre! Ganun na ba talaga kahirap ang mga American airlines...buti pa ang Cebu Pacific may zest-o at nuts pa na libre..hehh No choice ako but to order dinner sa sobrang gutom ko pa naman sa katatakbo..ang mahal pa hah sandwich lang 7 dollars na!

I woke up with this view kaya di ko pinalagpas. Sunset shot above the clouds, first time ko 'to.


We arrived Vegas airport past 9PM. Wala akong checked in baggage, may phobia na kasi ako na mawala bagahe ko ulit pero ang isang kasama ko na Pana may isang checked in bag. I was strolling around habang naghihintay sa bagahe ang kasama ko...airport pa lang ha nagkalat na ang mga slot machines. Binalikan ko kasama ko...hahahh he's the last man standing nalang sa baggage area! Yes missing bagahe niya!! If ever nangyari ulit sa akin 'to magwala na talaga ako! Buti the following day ng umaga dinedeliver sa hotel ang baggage niya. Obserbasyon ko lang 'to ha parang ineffecient at mediocare ang service ng US airports at mga US airlines compared to UK/Hongkong or Dubai.

Nakaidlip ako sa taxi papuntang hotel na minamaneho ng intsik. Nagulat ako...teka Las Vegas ba kami dinala nito..ano 'tong nadaanan namin statue of liberty?


At heto pa...ano 'to Cinderella castle? hehehh

Lalo na pagdaan dito...nalito na ako kung nasaan ba talaga ako, sa New York o sa Paris or what?!

Isa pa ngang close up look..Eiffel tower nga! Now i came to know i'm in the fantasyland!


Imperial Palace hotel, it'w where we stay for 3 nights. It's no fancy hotel but for the price and location it's the best. It's located on the middle of the strip wherein all attractions located in the strip is a walking distance. And this hotel is huge with 2,700 rooms!!


I just took pictures of our hotel...ok?! Pero ano 'tong sasakyan na dumaan...heheh ang bilis nai-save ng number sa kasamahan kong Pana...hahahahh

Entrance pa lang nalula na ako sa daming lights, pwede na atang mag disco dito.


Pagpumasok tayo ng hotel di ba ang unang mapansin natin ay ang magandang lobby area which is quite and peaceful. But not in Las Vegas, ang pang-attract nila ay ang casino. The whole ground area is occupied by a huge casino na hinahanap ko pa kung nasaan ang reception.


Pucha ang haba ng pila sa check in counter. Anyway this is expected for a huge hotel with over 2,000 rooms.

This hotel is bit old...but ang importante sa akin basta malinis ok lang. Beside nasa hotel room lang ako just to sleep...i never spend much time in the room.

The room has a small terrace overlooking to Vegas strip side. Opposite is Caesars Palace, Bellagio & Mirage hotels.


And the morning view...as you see Vegas is a desert, wala man lang kahit isang green sa bundok nila. Pero teka, indi ko alam na ang blogger na ito ay may hotel pala dito..heheh di pa kontento, dinoble pa ang pangalan..hehh

32 comments:

Ely said...

Nainggit na naman ako. Amf! Klan din kaya ako makakarating dyan?

Dakilang Islander said...

i'm sure marating mo rin yan tol...ang bata mo pa kaya!

Anonymous said...

AKO! AKO! hehehe! NAG-HAHANAP NANG KASAMA SA VEGAS! hahaha! ANYONE? ANYONE?!

Dakilang Islander said...

free roundtrip ticket at hotel? volunter ako! hahahah

eDreGiN said...

-kahit pahirapan sa byahe, mukhang super sulit naman ang trip natin ah' did u wish to stay longer? hehe

Dakilang Islander said...

actually i wish to go back and live in their forever...hehehh bebong bebo kasi

Anonymous said...

hahahahahaha!!! napansin ko rin yung sinasabi mong blogger na may ari ng hotel at dinoble yung name.. hahahaha!

at hindi naman halata na you enjoyed your vacation... sobrang hindi halata.... looking forward sa iba mo pang posts tungkol sa vacation mo

Lyzius said...

welkam back! ang sarap naman ng lamyerda na yan..

The Islander said...

sabi ko na nga bat mga buildings ang mapopost eh. haha. basta ako type ko pa rin sa kabundukan, sa alapaap, sa dagat.. dahil may nag iisang... Dyosa!

Anchor Tis for President! hehe.

Rio said...

wahahahahaha!!!!...akala ko sira ung PC ko....3 beses ko pa tlgang klinik ung " ang blogger na 2" sabi ko bakit laging lumalabas blog ko?..hahaha!! umiiral na naman kata***han ko...hehe..hindi ko kasi napansin ung hotel ang napansin ko e yung planet hollywood...



wala ng libre ngayon sa cebu pacific na nuts at zesto...lahat binibili na din...hehehe

kmusta naman ang pagtakbo takbo mo?

salamat sa mga pics na pasalubong..naaliw ako lalo na sa hotel na pinakita mo...

atto aryo said...

Parang kelan lang, inikot ko rin yang strip ng Vegas. Hay, kakamiss.

Teka, talaga bang wala ng nuts sa US airlines? Dati yun na lang binibigay nila e.

escape said...

thanks for the photos! astig! kakapanood ko lang ngayon ng resident evil extinction which displayed a deserted las vegas with the replica of the liberty.

nice timing.

Si Me said...

astig naman bakasyon mo.. sigurado bakasyon grande yan.. wag lang kalimutan pasalubong namin ha.. he he he...

enjoy at syempre mag-iingat.

Photo Cache said...

mukhang nag enjoy ka ah? siguro nanalo ka ano?

Unknown said...

nice pics, thanks! paborito ko yong sunset shot sa plane - awesome!

Dakilang Islander said...

@ifoundme, heheh napansin mo rin...di nga halata eh..hayyy sana nanalo ako ng jackpot sa casino para monthly pwd makapunta dun..heheh

Dakilang Islander said...

lysiuz, sobrang sarap! heheh

Dakilang Islander said...

@islander, baka ibang dyosa naman yan...heheh

Dakilang Islander said...

@doc rio, hahah grabi ka naman sarili mong hotel di mo napansin!! heheh

Dakilang Islander said...

@r-yo, galing ka rin pala dun, magkano panalo mo sa casino? heheh
ala na talagang libreng food items ewan ko lang sa ibang airlines ha basta US airways yung sinakyan ko

Dakilang Islander said...

@the dong, napanood ko rin ata yan at na curios ako statue of liberty na replica na yan

Dakilang Islander said...

@mangyan, nakabalik na ako last week pa...gusto mo padalhan kita ng mga showgirls jan sa saudi..ehehhe

Dakilang Islander said...

@photo cache, heheh ang promise ko sa mga ka officemates ko ayaw ko ng babalik sa isla pag maka jackpot ako...ayun pinagtawanan ako nung unang pasok..heh

Dakilang Islander said...

@may, ikaw ba 'to? heheh salamat

Oman said...

wow naiingit naman ako. tagal ko na gusto pumunta jan sa us para maglibot. galing ng mga kuha. pang -pro na.

syangapala. welcome back.

Anonymous said...

wow naman! asa vegas na sya! more kwentos and more photos! tataya ka ba, hehe

Anonymous said...

nice shots! at ang kwentong 7-dollar sandwich, astig ha... next time mag-pack ng peanut butter with jelly sandwich pang-tapat sa takbuhan from one flight to another :-)

Dakilang Islander said...

@lawstude, salamat sa pgwelcome...libutin mo muna ang buong pinas bago ka punta dito..mas maganda pa rin ang mga view sa atin

Dakilang Islander said...

@kengkay, oo tumaya ako pero talo...hhehe di na ako umulit

Dakilang Islander said...

@juleste, oo nga wala na talagang libre ngayon...

Anonymous said...

hahah!! saya nyan! doblehin mo na pera mo dyan..lol =)

Dakilang Islander said...

nadoble ata ang nawala...heheeh