Wednesday, August 6, 2008

Almost a disastrous travel

Namiss ko na blog ko pati na kayong mga paborito kong bloggers! Tambak tuloy ang babasahin ko ngayon. Last Sunday pa ako dumating pero parang naubusan ako ng lakas..heheh Yung isip ko naiwan pa ata dun eh. Anyway hanggang kwento lang muna ako ngayon.. di ko pa naayos mga pictures, ako'y tinatamad pa.

Kung bakit almost a disaster ang bakasyon ko, ito'y dahil muntikan na kaming naiwan ng eroplano from Bermuda. Halos sapakin ko ang isang kasama ko na indian panang kakana kana sa inis...heheh dahil sa sobrang bagal kumilos! Ang aga kong dinaanan sa bahay nila pero hindi pa nakahanda, nauna na akong lumabas para kumuha ng taxi pucha pagbalik ko indi pa rin ready..pinaghintay pa yung taxi! Ayun nakarating kami sa airport lagpas alas dos na eh ang flight namin 3:20PM.

Ayun sarado na daw ang check in sa flight namin pagkacheck in ko sa US Airways. Sobrang badtrip ko talaga. But he still let us in at pinagmamadali. Ang haba pa ng pila sa immigration. Sa Bermuda airport palang kasi, dito na gawin ang airport screening for US bound passenger kaya pagdating sa US hindi na dadaan ng immigration. Ang tagal pang binusisi ang passport at mga documents ko saka may finger print at picture taking pa! That was my first time na na-page ang pangalan ko sa airport na kelangan ko na magboard sa eropano. Buti maliit lang ang airport dito at naabutan ko pa...mga 5 minutes lang ata pagkatapos kong pumasok sinara na yung pinto as in kami nalang talaga ang hinihintay. And this is not my way of travelling, ayoko ng pressures gusto ko yung relax lang na pwede kapa magkape sa tabi tabi.

Anyway lahat ng stress paglapag namin sa Las Vegas airport ay tanggal...heheh

21 comments:

Anonymous said...

huwaaaatttt????? dream vacation mo pa naman to... hehehe! pero at least nakaalis kayo.. yung ang pinakaimportant. hintayin namin ang mga pics ha? looking forward to see them here posted in your blog.

eDreGiN said...

-Ay nagbalik na ang D.I! hahaha...
Hmmmm...ang a-upload kayang pics eh sa me kalayuan ulet? hahaha...
Good to know you're back!

P.S

Sinabon mo ba yong panang kasama mo dahil sa kangaragang idinulot nya sau bago kayo nakaalis? heheh....

The Islander said...

kainis nga yung ganun... buti ako minsanan lang magpahintay ng tao. hehe.

Rio said...

dapat iniwanan mo na si indian pana mo..hehehe..joke lang...

buti naman at na enjoy mo ang Las Vegas..=)

pasalubong namin?

Photo Cache said...

sige wait ako sa susunod na kabanata nitong iyong salaysay, mukhang lalong magiging interesting eh.

Anonymous said...

*lumalagok nang syoktong*

HMPT! GRRR! HMPT!

*inom nang tekila*

basta di ko tanggap ang promissory note mo! as in nag-intay ako! BUMALIK KA DITOOOOO!!! WAAA! BUMALIK KAAAA!!

escape said...

yihaa! you're back! oo nga hirap bumyahe pag ganyan. imbis na nakarelax nasa pila ka.

buti na lang bumawi sa las vegas.

Admin said...

Hey Islander... Easy easy lang....

Mahirap talagang bumiyahe kung ganyan....

Nasa Pilipinas tayo... Remember?

RJ said...

sus ang tagal kong hinintay ang vegas gateaway pictures mo tapos bitin pa ang kwento. lalong pagkainis sa mga itik tuloy ang iniwan sakin ng kwentong ito. hahaha! bwiset nga yong ganon.

Dakilang Islander said...

@ifoundme, oo nga pag naiwan pa kami ng eroplano ewan ko lang magwala talaga ako..heheh

Dakilang Islander said...

@edregin, di lang sinabon minura ko pa...hehehehh

Dakilang Islander said...

islander, naku dapat lang heheh..kaasar kaya yun sa taong naghintay

Dakilang Islander said...

@doc rio, lagi ko na nga iniwanan pagdating dun ang bagal kasi kumilos...wahhh pasalubong..marami akong dalang game cards na actual na ginamit sa casino pangsouvenir daw..hehh

Dakilang Islander said...

@photo cache, salamat sa pag-abang...

Dakilang Islander said...

@reyna elena, hehehh babalik ako dyan sigurado...kontakin na talaga kita in advance!! heheh yung sunduin mo ako sa airport ang mahal kasi ng taxi..hahha

Dakilang Islander said...

@the dong, hirap talaga...ang bigat pa ng dala kong bag tapos nagtatakbo ka pa

Dakilang Islander said...

richard, opo hangang sa kwento nalang tapos na eh..heh

Dakilang Islander said...

rj, pagpasensyahan mo na..heheh ang dami kong backlog at inasikaso pa...hehehh

Unknown said...

welcome back to bermuda! wow, ayoko atang ma experience yong na experience mo! ako wala talagang patience sa mga taong walang concept of time. naku kung ako, matagal ko nang iniwan, magtaxi syang magisa nya no! heniway, tambak siguro trabaho mo ngayon ano? he!he! i post mo na pics mo ha? thanks.

Si Me said...

viva las vegas ka??!!! ka-casino ka 'no.. balato ha.. hehehe

enjoy the vacation.. (vacation ba 'to o business travel?) kahit ano, basta enjoy!!

o nakabalik ka na ba?? medyo magulo comment ko, basta un n un..

Anonymous said...

ayan dumating na ang lolo, umpisa na ang kwentuhan!

at least "almost" lang and not a total disaster.

must be one unforgettable trip